Huwebes, Setyembre 17, 2015

Ang Aso at ang Pusa
ni Charlie A. Buendia

Isang araw, sa isang malayong bukirin, nagtatalo ang isang aso't pusa sa kung sino sa
kanilang dalawa ang magmamay-ari ng karne na kanilang nakita.

"Akin ang karne na iyan! Ako ang nakakita nyan, kaya dapat sakin mapunta ang karne
na yan.!" sabi ng aso.
"Hindi! Mali ka dyan! Ako ang kumuha ng karne na iyan ka sakin mapupunta
ang karne." wika ng pusa sa aso.

Sa kabilang banda, napadaan naman ang isang gutom na gutom na soro, nakita nito ang aso
at ang pusa na nagaaway.

"Oh? Anong problema nyo? Bakit kayo nag-aaway?" tanong
ng soro sa dalawa.

"Eh eto kasing si Pusa, inaangkin nya sa akin ang karneng nakita ko. Ang sabi
nya sa kanya daw dapat mapunta ang karne dahil sya ang kumuha nito"
sagot ng aso sa soro.
"Aba! Talaga namang dapat sa akin mapunta ang karne." wika ng pusa sa aso.

"Hmm. Sige sige, tutulongan ko kayo sa inyong problema." sabi ng soro sa dalawa.

Ang hindi alam ng dalawa, may masamang binabalak na ang soro sa kanilang dalawa.

"Sige. Ganito ang gagawin natin, para malaman natin kung kanino mapupunta
karne, kailangan nyong mag-unahang makarating sa puno ng manggang iyon at
kung sino sa inyong dalawa ang mauunang makabalik dito, sa kanya mapupunta ang
karne." ang sabi ng soro sa dalawa.

"Sige payag ako." ang sabi ng aso.
"Sige ako rin." tugon ng pusa.

Naghanda na nga ang dalawa para sa gaganaping karera.

"Ako ang mananalo!" sabi ng aso sa pusa.
"Hindi! Ako ang mananalo, tatalunin kita!" pabalang na sagot ng pusa sa aso.

"Magsimula na tayo. Pagkabilang ko ng tatlo, tumakbo na kayo. Isa...!
Dalawa...! Tatlo! Takboo! hudyat ng soro sa dalawa.

Nagsimula na ngang tumakbo ang dalawa. Nanguna ang aso sa pagtakbo, subalit di
naman nagpatalo ang pusa.

Nang makita ng soro na malayo ang dalawa, ginawa na nya ang masama nyang binabalak.
Dali-dali nitong kinuha ang karne at mabilis na tumakbo palayo.

Hindi nagtagal nakabalik na ang dalawa galing sa pagtakbo. Nagtaka silang dalawa ng hindi
nila makita ang soro at ang karne. Hinanap nila ito nang hinanap sa kung saan saan,
 ngunit hindi parin nila ito makita. Inis na inis na ang dalawa.

Hindi nagtagal, napagtanto nilang dalawa na niloko lang sila ng soro.
Sising-sisi tuloy silang dalawa.

WAKAS